Christmas eve murder: anak inutas ng ama

MANILA, Philippines — Malungkot na sinalubong ng isang pamilya ang araw ng Pasko matapos na saksakin at mapatay ng isang lasing na ama ang kanyang 19-anyos na anak sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Tagcatong, Carmen, Agusan del Norte.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa ospital ay kinila­lang si Adrian. Habang ang tatay nito na si Alejandro ay agad na naaresto ng pulisya.

Sa salaysay ng ina na si Ina Abao, na ilang minuto na lamang ay magpapasko na ay umuwi siya ng bahay mula sa pagsimba nang madatnan niya ang mag-ama na nagtatalo sa hindi malamang kadahilanan.

Hindi umano nagpaawat ang kanyang mister na noon ay lasing na kumuha ng patalim at sinaksak ang kanyang anak sa dibdib.

Sinubukan pang isugod sa Agusan Del Norte Provincial Hospital ang biktima pero binawian na ito ng buhay.

Halos pagtakluban ng langit at lupa ang ama sa ginawa niyang pagpatay sa kanyang anak sa mismong araw pa ng pasko.

Show comments