Isnaberong taxi drivers, nababawasan

MANILA, Philippines — Unti-unti nang nababawasan ang mga isnaberong taxi driver na karaniwang naiuulat sa panahon ng Kapaskuhan.

 

Dahil kuntento na umano ngayon ang mga taxi drivers sa malaki nilang kita na pumapatak na mahigit P1,000 kada araw .

Ayon sa mga taxi drivers, mula nang e-calibrate ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB ) ngayong Disyembre ang kanilang metro umayos na ang takbo ng kanilang hanapbuhay.

Sa calibration ng LTFRB, P40 pa rin ang flagdown rate sa taxi pero ngayon ay may dagdag na P1 per succeeding kilometer at dagdag 50 cents per minute sa waiting time.

Show comments