2 gunrunner utas sa buy bust

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang dalawang lalaki na pinaghihinalaang gunrunner at karnaper matapos na sila ay manlaban kahapon ng umaga sa isinagawang arms buy bust operation sa Quezon City.

 

Kinilala ang isa sa mga suspek sa alyas na ‘Atan’, nasa 28-anyos, habang hindi ang ikalawang suspek ay tinatayang nasa 20 hanggang 26-anyos  kapwa nakasuot ng jacket at shorts.

Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang shootout dakong alas-12:15 ng mada­ling araw ay nagsagawa ng buy bust operation ang mga pulis laban sa mga suspek sa Robina Road, Siera Vista, Phase 3, Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches, QC, dahil sa report na nagbebenta ang mga ito ng mga hindi lisensiyadong armas sa Novaliches.

Sa kalagitnaan ng transaksiyon ay nakahalata ang mga suspek na mga pulis ang ka-deal pinaputukan nila ang mga huli saka tumakas na kung saan ay nagkaroon ng running gun battle at napatay ang dalawang suspek.

Nasamsam sa dalawang suspek ang dalawang kalibre .45 pistola, at nakuhanan din ng isang kalibre .38 revolver, isang pakete ng hinihinalang shabu, cell phone, wristwatch, bala. P30,000 na boodle money, at isang nakaw na motorsiklo na natuklasang pagma-may-ari ng isang Joshua Copioso.

Kinilala ni Copioso ang mga suspek na siyang tumangay ng kaniyang motorsiklo dakong alas-5:40 ng hapon, noong Martes sa Brgy. Gulod, Novaliches.

Show comments