^

Police Metro

AFP inimbestigahan ang arms smuggling

Joy Cantos - Pang-masa
AFP inimbestigahan ang arms smuggling

MANILA, Philippines — Dahil sa pagkahuli sa isang mag-asawa na supplier ng mga armas ng Maute terrorist group at iba pang armadong grupo na banta sa pambansang seguridad ay pinaiimbestigahan na ng liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung may mga aktibong sundalo at opisyal ang posibleng sangkot sa pagpupuslit ng armas na may markings ng militar.

 

Sinabi ni Col. Noel Detoyato, Chief ng AFP Public Affairs Office, bahagi ng masusing im­bestigasyon ay ang pag-iimbentaryo sa “supply room at stocks” na nasa bawat himpilan ng militar.

Aminado ang opisyal na posibleng may mga naghuhudas na sundalo ang maaring nasa likod ng pagpupuslit ng mga armas sa arsenal ng AFP at napupunta ito sa mga gunrunners at illegal arms suppliers.

Tiniyak naman ni Detoyato na sakaling mapatunayan na may  mga sundalong sangkot sa “arms smuggling” ay isasalang ang mga ito sa masusing imbestigasyon na kapag napatunayang guilty ay patatalsikin sa serbisyo.

Ang pahayag ay kasunod nang pagkakasakote ng PNP operatives sa mag-asawang supplier na sina Edgardo at Rosemarie Medel noong Linggo ng gabi sa NLEX, Valenzuela City at nasamsam sa mga ito ang ilang kahon ng armas at bala na may markings ng AFP na nagkakahalaga ng P 1.2 M na umano ay naipuslit umano mula sa kampo ng militar sa Nueva Ecija.

vuukle comment

ARMS SMUGGLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with