Tumatakbong vice mayor sa Pangasinan, itinumba

Ang biktima na namatay noon din ay kinilalang si Konsehal Benjamin Oculto, Jr., habang nadakip ang isa sa apat na gunmen na nakilalang si Jun-jun Vida, 40, tubong Brgy Hermosa Tepo, Bataan.
File

MANILA, Philippines — Isang konsehal na tumatakbong vice mayor ng bayan ng Sto.Tomas, Pangasinan ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng apat na lalaki habang palabas ng simbahan kahapon sa Brgy. Poblacion West, Sto.Tomas ng lalawigan.

 

Ang biktima na namatay noon din ay kinilalang si Konsehal Benjamin Oculto, Jr., habang nadakip ang isa sa apat na gunmen na nakilalang si Jun-jun Vida, 40, tubong Brgy Hermosa Tepo, Bataan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-10:40 ng umaga ay nasa labas ng Jesus Chirst chapel ang biktima nang ito ay ratratin ng armalite ng grupo ni Vidal.

Mabilis na nakapagresponde ang mga pulis at nadakip si Vidal habang nakatakas ang tatlo nitong kasabwat sakay ng isang asul na Toyota Corolla. 

Bagama’t nadala sa pagamutan ang biktima ay idineklara itong dead on arrival.

Show comments