^

Police Metro

Kahit nagdeklara ng tigil-putukan… PNP, AFP ‘di kampante vs NPA rebels

Gemma Garcia - Pang-masa
Kahit nagdeklara ng tigil-putukan� PNP, AFP �di kampante vs NPA rebels
Si NCRPO chief Guillermo Eleazar nang mag-inspeksyon kahapon ng madaling araw sa mga simbahan sa Kamaynilaan upang tiyakin ang seguridad sa unang araw ng Simbang Gabi.
Joven Cagande

MANILA, Philippines — Mananatili pa rin sa pagbabantay ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong panahon ng Kapaskuhan sa kabila ng anunsiyo ng New Peoples Army (NPA) na unilateral ceasefire.

 

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, ipagpapatuloy pa rin nila ang internal security operations gayundin ang kanilang law enforcement operations kahit sa ngayon ay wala umano silang nakikitang movements mula sa pwersa ng NPA at pinaghahandaan nila ang anibersaryo ngayong Disyembre 26.

Anya, ang operasyon ng mga rebeldeng komunista ay factor para sa pagpapaigting ng ka­nilang security measures para ngayong panahon ng Kapaskuhan dahil banta ang mga makakaliwang grupo at sa tero­rismo kaya hindi maaa­ring maging relax ang kapulisan at ang militar.

Ang reaksyon ng PNP Chief ay kaugnay sa anunsiyo ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa kanilang website na nagdedeklara ng pansamantalang unilateral ceasefire ngayong Kapaskuhan at para sa kanilang 50th Year Anniversary.

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with