Mag-aama timbog sa droga

MANILA, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng isang ama at dalawa nitong anak matapos masamsaman ng droga sa isinagawang search warrant operation sa kanilang bahay na ginagawa umanong drug den sa Zone-3, Brgy. San Roque sa Legazpi City, Albay, kamakalawa ng umaga.

 

Kinilala ang mga suspek na sina Michael Dadea Decano, 50-anyos at ang mga anak na si Paul Michael “Macmac” Decano, 26, at James “Jimboy” Decano, 22, pawang mga residente ng nasabing barangay.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga, sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Elmer Lanuzo, ng RTC-Branch 6 ng Legazpi City, sinalakay ng mga otoridad ang bahay ng mag-aamang Decano.

Sa ginawang paghahalughog ng mga ahente ng PDEA sa bahay ng mga suspek ay nakuha ang 15 sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalias.

Nahaharap na ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments