Rolbak ulit sa petrolyo

Sa abiso ng Phoenix Petroleum Philippines at Seaoil Philippines, nagtapyas sila ng P0.15 sentimos sa kada litro ng kanilang gasolina at P0.30 sa kada litro naman ng diesel, na epektibo ng alas-6:00 kahapon ng umaga.
File

MANILA, Philippines — Sa siyam na pagkakataon, nagpatupad kahapon ng price rollback ang ilang independent oil company.

 

Sa abiso ng Phoenix Petroleum Philippines at  Seaoil Philippines, nagtapyas sila ng P0.15 sentimos sa kada litro ng kanilang gasolina at P0.30 sa kada litro naman ng diesel, na epektibo ng alas-6:00 kahapon ng umaga.

Ayon naman sa PTT Philippines, RePhil at Petro Gazz, na susunod na rin sila sa naturang price adjustment na epektibo ng alas-6:00 ng umaga ng Martes.

Nitong nakaraang linggo ay nagpatupad ng dagdag bawas ang mga kumpanya ng langis.

Ang price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyo nito world market.

Show comments