^

Police Metro

3 gunrunner todas sa buy bust

Ludy Bermudo - Pang-masa
3 gunrunner todas sa buy bust
Sinisiyasat ng SOCO ang tatlong bangkay ng lalaki na umano ay mga miyembro ng gunrunning syndicate nang manlaban at mapatay ng mga pulis sa isang buy bust ­operation kahapon ng mada­ling araw sa Baseco, Maynila.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad ang tatlong pinaniniwalaang miyembro ng gunrunning syndicate nang manlaban umano ang mga ito sa armed buy bust operation kahapon ng madaling araw sa Port Area, Maynila.

Kinilala ang isang suspek na si Robert Pagtalun alyas Oteb, habang inaalam pa ang tunay na pagkila­n­lan ng dalawa pang napatay.

Sa ulat, bago nangyari ang shootout dakong alas-2:10 ng madaling araw sa Baseco Compound ay nagkasundo ang poseur buyer ng mga baril at ang tatlong suspek.

Habang magka­kabayaran na ay nakahalata ang tatlong suspek na set up lang ang bilihan kaya’t bumunot umano ng baril ang mga suspek at pinutukan ang katransaksiyon na mga pulis hanggang sa magkapalitan na ng mga putok at nagsilutangan na ang mga nakaposteng back-up na at makipagputukan sa mga tumatakas na suspek sa bahagi ng Block 1, Gasangan, Baseco Compound kung saan sila bumulagta.

Nasamsam ng mga otoridad ang isang motorsiklo na walang plate number na ­ginamit; apat na iba’t ibang uri ng baril, na kinabi­bilangan ng Colt caliber .45 pistol, Taurus Black Widow caliber .9 mm revolver, North America Black Widow caliber .22 revolver, at isang kalibre .38 revolver; isang MK II hand grenade.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with