4 suspek kalaboso… P36.3 milyong shabu samsam

MANILA, Philippines — Tumataginting na P36.3-milyong ha­laga ng shabu ang nasamsam habang sa kalaboso ang bagsak ng apat na sinasabing kilabot na bigtime ‘tulak’ ng droga sa isinagawang drug-bust ­operation ng mga otoridad sa Brgy. Sambag 2, Cebu City nitong Biyernes ng gabi.

 

Kinilala ang mga nasakoteng drug pushers na sina Michael Carabaña, 28 na siyang target ng anti-drug operations; Arnold Arquiza, 37; Agustin Quijano, 34; at Jemuel Enrile, 24 taong gulang.

Sa report ng Cebu City Police, dakong alas-10:00 ng gabi nang isagawa ng anti-drug operatives ng Guadalupe Police Station ang drug-bust operation sa Urgello Street, Brgy. Sambag 2 ng lungsod.

Sa tala, sinabi ng ­opisyal na si Carabaña ay isang high value target sa drug list na isinailalim sa masusing surveillance operation bago nabitag ng mga otoridad.

Ang tatlo pang drug pusher na kasamahan ni Carabaña ay nasa apartment nito sa lugar nang isagawa ang raid kung saan nagpapartehan ang mga ito sa ibebentang droga at dito rin nakumpiska mula sa kanila ang nasa mahigit tatlong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P36.3-milyon.

Pinaniniwalaan namang ang nasabing droga na nakumpiska sa mga suspek ay galing pa sa Metro Manila na nailusot lamang sa lungsod.

Show comments