China kukuha ng mas maraming Pinoy English teachers at nurses

Ayon pa kay Zubiri mas padadaliin ng China ang pagbibigay ng working visa para sa mga English positions sa nasabing bansa.
File

MANILA, Philippines — Binabalak ng China na kumuha ng mas maraming Pinoy English teachers at nurses sa bansa.

Ito ang isiniwalat kahapon ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri matapos na personal na nakaharap kahapon ng mga lider ng Senado at House of Representatives si Chinese President Xi Jinping sa Shangri-La Hotel sa Bonifacio Global City sa Taguig.

“Sinabi rin ni Pangulong Xi na magdaragdag daw sila ng Filipino English teachers, teachers who can teach English in China coming from the Philippines…baka magdagdag din ng allocation ng Filipino nurses sa China,” sabi ni Zubiri.

Ayon pa kay Zubiri mas padadaliin ng China ang pagbibigay ng working visa para sa mga English positions sa nasabing bansa.

Mismong si Xi rin umano ang nagpaalala na napakaraming Filino ang may roots sa China kabilang ang pambansang bayani na si Jose Rizal.

Balak din umano ng China na mag-import ng iba’t ibang uri ng produkto mula sa Pilipinas katulad ng mga prutas mula sa Mindanao.

Show comments