^

Police Metro

2 ISIS terrorist napatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napatay ng tropa ng pamahalaan sa isang sagupaan ang dalawang pinaghihinalaang notoryus na miyembro ng terrorist inspired  Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Tacurong City, Sultan Kudarat kahapon ng madaling araw.

Batay sa ulat, bago nangyari ang sagupaan dakong alas-2:30 ng madaling araw ay nakatanggap ng impormasyon ang Sultan Kudarat Provincial Police Office tungkol sa planong pagbibiyahe ng ISIS inspired terrorist groups ng Improvised Explosive Device (IED) sa Tacurong City at bayan ng Isulan.

Kaya inatasan ni Police Regional Office-12 Director, Chief Supt Eliseo T. Rasco na maglatag ng police checkpoint sa kahabaan ng Kapingkong Road, Brgy. WJC Montilla katulong ang Philippine Army.

Habang papalapit sa checkpoint ang mga suspek lulan ng kulay abong multicab ay bigla ang mga itong lumiko sabay pinaputukan ang mga operatiba ng Regional Mobile Force Battalion na nagresulta upang magresponde ang mga iba pang security forces at habulin ang mga suspek.

Nang malapit maabutan ay pinaputukan ng mga ito ang security forces na gumanti ng putok hanggang sa kapwa tinamaan at napatay ang dalawang suspek.

Nasamsam sa crime scene ang isang bandila ng ISIS, isang cal 9 MM pistol na may tatak ng PNP, isang KG 9 , sari-saring uri ng mga bala at isang Improvised Explosive.

vuukle comment

ISIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with