2 bus nagkarerahan, pasahero naputulan ng braso

MANILA, Philippines — Kamalasan ang inabot ng isang pasahero matapos maputulan ng braso nang mahagip ito ng bus na kagitgitan ng kanyang sinasakyang bus naganap kahapon ng umaga sa Edsa, Kamuning, Quezon City.

 

Ang biktima ay nakilalang si Daniel Malapit Morcoso, 29, na nakatira sa San Jose Del Monte City, sa Bulacan

Sa ulat ng pulisya, nabatid na dakong alas-9:30 ng umaga noong maganap ang aksidente sa south bound lane ng Edsa sa tapat ng Quezon City Police District Station 10.

Ayon sa report, nakasakay sa gawing hulihang bahagi ng Mayamy Bus na may plakang UWJ 668 ang ang biktima nang mahagip ang nakalaylay nitong braso sa bintana ng kasabay na Kellen bus na may plakang UVX-682.

Mabilis namang isinugod sa East ­Avenue Medical Center ang biktima na ngayon ay pinipilit idugtong ang kanyang braso habang naka-impound na ang dalawang bus at iniimbestigahan na ng QCPD Traffic Sector 4 ang naganap na aksidente.

Show comments