Bentahan ng reclaimed land sa Mandaue idinulog sa Ombudsman
Bentahan ng reclaimed land sa Mandaue idinulog sa Ombudsman
Angie dela Cruz (Pang-masa) - October 16, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa hindi umano makatuwirang pagbebenta sa 3.5 ektarya ng reclaimed land ay nagsampa ng reklamo sa Office of the Ombudsman ang mga kasalukuyan at dating konsehal ng Mandaue City laban kay dating Mandaue City Mayor Jonas Cortes. Sa kanilang sulat kay  Ombudsman Samuel Martires  na may petsang October 4,2018, sinabi ng kasalukuyang councilors Elstone Dabon at Benjamin Basiga at dating councillor Jefferson Ceniza na hindi nila akalain na walang record ang lupain na na-classify bilang alienable at dispo­sable nang busisiin ang dokumento sa pagbebenta sa lupain. Inakala nilang ang transaksiyon ay regular at ang mga dokumeto ay naaayon sa itinatakda ng batas ay hindi sana sila sumang ayon noon sa pag-adopt ng Sangguniang Panlalawigan sa Resolution No. 13-632-2015 kung nalaman agad na walang record ang lupain na na-classify bilang alienable at disposable. Hindi rin umano naitala sa committee report ang sinasabi ni Cortes sa kanyang Facebook page noong August 22,2018 na ang DENR Administrative Order 99-34 ang sinasabing basehan ng approval sa bentahan ng lupa sa halagang P50 per square meter.

Si Cortes, ang kasalukuyang 6th District Representative.

OMBUDSMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with