Tondo drug bust: 2 utas
MANILA, Philippines — Dalawang lalaki na umano ay drug pusher ang nasawi nang sila umano ay nanlaban sa mga operatiba ng MPD-Station 2 sa isang drug busy bust operation kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.
Ang dalawang suspek na idineklarang dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) ay kinilala lang sa alyas “Novo”, 37 at alyas “Jury”, kapwa miyembro ng Sigue-sigue Sputnik Gang na kung saan ay nasamsam sa kanila ang dalawang kalibre 38 baril at 14 na sachet ng shabu.
Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente, dakong ala-1:20 ng madaling araw ay isinagawa ng mga otoridad ang buy bust sa Gate 14, Parola Compound, Tondo.
Nang makabili ng halagang P300 na shabu ang poseur buyer na si PO2 Jaycee John Galutera ay nagbigay siya ng signal sa mga kasamahan.
Nahalata ito ng mga suspek kaya’t bumunot ng baril at pinaputukan si PO2 Galutera na hindi tumagos sa katawan dahil may suot na bullet proof vest.
Gumanti ng putok ang mga kasama ni PO2 Galutere at kapwa bumulagta ang dalawang suspek.
- Latest