Pinas kasapi ng UN Human Rights Council

MANILA, Philippines — Labis na ikinagalak at mainit na tinatanggap ng Malacañang ang pagkakasama ng Pilipinas bilang bagong kasapi ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) matapos ang halalang isinagawa sa head office ng UN sa New York kung saan pinangunahan ni UN Permanent Representative at incoming Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teodoro “Teddyboy” Locsin Jr. ang delegasyon ng bansa.

 

Kasama ng Pilipinas na nahalal ang Bahrain, ­Cameroon, Somalia, Bang­ladesh at Eritrea.

Sinabi ni bagong Presidential Spokesman Salvador Panelo na nagpapakitang kinikilala ang Pilipinas bilang bansang kumikilala at gumagalang ng mga karapatang pantao.

Kasabay nito, binigyang-diin ni Sec. Panelo ang naging pahayag ni UN Secretary-General António Guterres na ang iligal na droga ay pandaigdigang problema na nagpapatunay umanong tama ang ginagawa ni Pangulong Duterte na anti-drug war.

Iginiit ni Panelo na “consistent” ang ginagawa ni Pangulong Duterte sa pananaw ngayon ng UN na ang iligal na droga ay mapanganib na kailangang puksain.

Show comments