^

Police Metro

45% Pinoys naniniwala na may problema sa kalusugan si Duterte-SWS

Rudy Andal - Pang-masa
45% Pinoys naniniwala na may problema sa kalusugan si Duterte-SWS
Ayon sa SWS, sa 1,500 adults na sumagot sa survey noong nakalipas na Setyembre 15 hanggang Setyembre 23, 2018 na sa iba’t ibang panig ng bansa ay 45 % sa kanila ang naniniwala na may health problems ang Pa­ngulo habang ang 26% ay hindi naniniwala. Habang ang 29% ay undecided sa nasabing usapin.
The STAR/Krizjohn Rosales, File

MANILA, Philippines — Halos kalahati ng mga Pinoy ay naniniwala na may problema sa kalusugan si Pangulong Rodrigo Duterte, batay sa inilabas na resulta kahapon ng Social Weather Stations (SWS).

Ayon sa SWS, sa 1,500 adults na sumagot sa survey noong nakalipas na Setyembre 15 hanggang Setyembre 23, 2018 na sa iba’t ibang panig ng bansa ay 45 % sa kanila ang naniniwala na may health problems ang Pa­ngulo habang ang 26% ay hindi naniniwala. Habang ang 29% ay undecided sa nasabing usapin.

Sa kaparehong survey ay 55 percent ng respondents ay nag-aalala na ang 73-anyos na si Pangulong Duterte ay may health problems, habang ang 44 percent ay alinlangan.

Ang 61 percent ay nagsabi na dapat malaman ng publiko ang kalaga­yang kalusugan ng Pangulo habang ang 33 percent ay nagsasabi na ang nasabing isyu ay isang pribado at hindi na kailangan ipaalam pa sa publiko.

Una nang inamin ng Pangulo kamakailan na ang nararamdamang back pains, migraines at Buer­ger’s disease, ay dahilan ng pagbara ng daluyan ng dugo dahil sa kanyang paninigarilyo noong siya ay bata pa.

Noong nakaraang linggo ay sumailalim si Pangulong Duterte sa endoscopy at colonoscopy dahil siya nakakaranas ng Barret’s esophagus, isang komplikasoyon ng gastroesophageal reflux disease.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with