Kagawad itinumba ng tandem

Kinilala ang biktima na si Antonio Lozano, residente at kagawad ng Brgy. Sta. Irene na sakop ng nasabing bayan.
FIle

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang kagawad ng barangay makaraang pagbabarilin ng ‘di pa natutukoy na riding-in-tandem habang pauwi sa kanilang tahanan naganap sa Purok 2, Brgy. Awa, Prosperidad, Agusan del Sur, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Antonio Lozano, residente at kagawad ng Brgy. Sta. Irene na sakop ng nasabing bayan.

Ayon kay PO1 Garnosa, mula umano sa sentro ng bayan ang biktima na dumalo sa mga aktibidad at pauwi na sana sakay ng kanyang motorsiklo dakong alas-9:40 ng gabi nang buntutan ng mga suspek at pagdating sa nasabing lugar ay saka pinagbabaril ang kagawad hanggang sa duguang bumulagta.

Tatlong tama ng bala buhat sa kalibre .45 pistola ang agad na tumapos sa buhay ng kagawad.

Pulitika o personal na alitan sa mga sinisilip na motibo habang nagpapatuloy ang malalimang imbestigasyon.

Show comments