8 tinderong intsik sa Divisoria, inaresto ng BI

MANILA, Philippines — Inaresto ng Bureau of Immigration ang walong Chinese na iligal na nagtitinda sa isang shopping mall sa Divisoria, Maynila.

Kinilala ang mga naaresto na sina Cai Zhongyong; Wang Liyan; Cai Yahui; Cai Shaorong; Shi Qingliang; Cai Shunli; Cai Jianting; at Lin Jiaxian.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente, ipinagbabawal sa ilalim ng Immigration Act na magtrabaho sa bansa ang sinumang dayuhan nang walang working permit o visa.

Ilan pa umano sa mga dayuhan ay nagtangka na suhulan ang mga ­operatiba ng BI nang sila ay ­arestuhin noong September 20 at September 21.

Nasa BI Legal Division na umano ang kaso ng walong dayuhan para sa pagsusulong ng deportation proceedings.

Show comments