^

Police Metro

Blogger na si Drew kinasuhan sa bomb joke

Joy Cantos, Danilo Garcia - Pang-masa
Blogger na si Drew kinasuhan sa bomb joke
Sinabi ni PNP Chief P/Director General Oscar Alba­yalde na pinasasampahan na niya ng kaso si Olivar upang turuan ito ng leksyon at hindi na pamarisan pa ng iba.
Facebook screengrab/Mocha Uson Blog

MANILA, Philippines — Hindi umubra ang paghingi nang paumanhin ng blogger na si Drew Bolivar sa pagpapakalat nito ng bomb scare sa social media matapos ipag-utos ng pulisya na panagutin ito sa batas.

Sinabi ni PNP Chief P/Director General Oscar Alba­yalde na pinasasampahan na niya ng kaso si Olivar upang turuan ito ng leksyon at hindi na pamarisan pa ng iba.

“I think si Drew Olivar has already learned his lesson and he will be charged for violation of Presidential Decree 1727 (Anti –Bomb Joke Law), pahayag ni Albayalde.

Ginawa ng PNP Chief ang pahayag matapos na humarap sa National Capital Region Police Office (NCRPO) si Olivar noong Sabado para humingi ng paumanhin at nagpaliwanag sa kanyang pagpapakalat ng isang mensahe sa kaniyang online post sa social media na nagbabala tungkol sa posibleng pambobomba sa Setyembre 21 rallies.

Sinamahan siya ni Mocha Uson, Assistant Secretary sa Presidential Communication Office (PCOO) sa paghingi ng tawad sa netizens sa pagtungo nito sa tanggapan ng NCRPO.

Bagaman, wala namang naganap na hindi inaasahang pangyayari na dulot ng pambobomba ay dapat pa ring managot si Olivar, dahilan may katapat na kaparusahan sa batas ang pagpakalat ng bomb scare at bomb joke.

vuukle comment

DREW BOLIVAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with