Trillanes ‘di lalabas ng senado Kahit hindi naglabas ng warrant of arrest ang 2 Makati RTC...

Papasok na sa kanyang opisina si Senator Antonio Trillanes IV matapos ang maikling presscon matapos maglabas ng desisyon ang Makati RTC Branch 150 na hindi naglabas ng arrest warrant at hold departure.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Kahit na walang inilabas na warrant of arrest at hold departure order ang dalawang Makati RTC ay hindi pa rin umano lalabas sa Senado si Senator Antonio Trillanes IV.

Ito ang tiniyak kahapon ni Trillanes hangga’t hindi natatapos ang mga kasong inihain sa kanya ng gobyerno.

Ginawa ni Trillanes ang pahayag matapos hindi maglabas ng warrant of arrest at hold departure order si Makati City Regional Trial Court Branch 150 Judge Elmo Alameda na humahawak sa kanyang kasong rebel­yon kaugnay sa Manila Peninsula siege noong 2007 na binuhay ng Department of Justice.

Magugunita na noong Huwebes ay hindi rin nag­labas ng warrant of arrest at HDO si Makati City RTC, Branch 148 Judge Andres Soriano laban sa senador para naman sa kaso nitong kudeta.

Una nang sinabi ni Trillanes kamakalawa ng hapon na lalabas na siya ng Senado pero nagbago ang isip nito nang dumami ang nagbabantay na security forces sa labas ng gate ng Senado.

Ayon kay Trillanes na sinundan ng ilang naka-motorsiklo ang kanyang sasakyan kamakalawa ng lumabas ito sa Senado upang magpa-gasolina.

Show comments