Mag-asawa timbog sa droga

MANILA, Philippines — Isang mag-asawa ang dinakip matapos makuhanan ng shabu sa loob ng kanilang bahay sa ginawang search warrant operation ng mga tauhan ng PDEA sa Purok 1, Brgy. Puro sa Legazpi City, Albay kamakalawa ng gabi.

Ang mag-asawang suspek ay kinilalang sina Manuelito Jacobe, 48;at Gloria Jacobe, 47, pawang residente ng nasabing barangay.

Batay sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi ay pinasok ng mga tauhan ng NBI, Legazpi City-PNP at PDEA ang bahay ng mag-asawa bitbit ang search warrant.Nakuha sa posesyon ng mag-asawa ang ilang sachet ng shabu na tumitimbang ng 25 gramo at may streetvalue na P150,000.

Ang mag-asawa ay nakakulong sa jail facility ng PDEA at sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165.

Show comments