Mag-ama na bagong gising pinatay

MANILA, Philippines — Isang mag-ama na kagigising lamang ang pinagbabaril ng hindi pa kilalang mga suspek na pumasok sa kanilang bahay sa Zone 5, Brgy.Veneracion, Pamplona, Camarines Sur.

 

Namatay noon din ang mag-amang  sina Danilo Abonin Sr, 54 at Danilo Abonin Jr., 28, kapwa residente ng nasabing barangay.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga ay kagigising pa lang ng mga biktima nang biglang pumasok sa kanilang bahay ang ilang hindi pa nakilalang mga suspek na armado ng mahahaba at maigsing baril at hinahanap ang nagngangalang “Danilo.”

Gayunman, bago naka­sagot ang tatay na nakaupo sa sala ay pinagbabaril na siya ng mga suspek habang hinabol naman at niratrat sa kusina ang anak.

Nakuha ng mga pulis sa crime scene ang ilang basyo ng M16 armalite rifle at kalibre 45 baril habang patuloy ang imbistigasyon sa pagkaka­kilanlan ng mga suspek.

Show comments