^

Police Metro

2 bata nilamon ng lupa

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang dalawang bata habang nasugatan naman ang kanilang ina matapos na magkaroon ng landslide at matabunan ang kanilang bahay kahapon ng madaling araw sa Antique.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Rosalia Agapito,6 at Andrew Agapito, 3, habang nagtamo naman ng sugat ang kanilang ina na si Tessie Agapito.

Sa imbestigasyon ng pulisya na dakong alas-3:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente habang natutulog ang mag-iina sa kanilang bahay sa Barangay Bananuan, Barbaza, Antique.

Ang walang tigil na buhos ng ulan na nagpalambot sa lupa sa bundok ang dahilan nang pagguho ng lupa na tumabon sa bahay ng mag-iina.

Nagtulong-tulong pa umano ang mga kapitbahay ng mag-iina na hilahin sila na natabunan ng mga putik at saka itinakbo sa ospital na kung saan hindi umabot nang buhay ang dalawang bata.-

vuukle comment

ROSALIA AGAPITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with