2 timbog sa P3.2 milyon shabu
MANILA, Philippines — Nadakip ng mga otoridad sa isang buy bust operation ang dalawang drug suspect na kinilalang sina Ramid Baos Depatuan, 36, ng Pagadian City at Ken Angon Kalaing, ng Sultan Kudarat sa isang drug buy bust operation kamakalawa ng hapon sa Sitio Tenorio, Brgy. Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao. Nakumpiska sa mga suspek ang 50 gramo ng shabu na ibinenta sa poseur buyer ng PDEA na nagkakahalaga ng P50,000.
Bukod dito ay nakakuha pa ng kalahating kilo ng shabu na may estimated street value na P3.4 milyon.
- Latest