Mister tinodas ng lover

MANILA, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang isang 31-anyos na si Jonel Española nang tarakan sa dibdib ng kanyang live in partner na si Hazel Vasquez, 27 na binantaan nitong papatayin naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Bagahabag, Solano, Nueva Vizacaya.

Sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi nang umuwing lasing ang biktima at binantaan nito ang suspek na papatayin.

Sa takot ng suspek na totohanin ang banta ay agad itong pumunta sa kusina at kumuha ng patalim at sinaksak ng dalawang beses ang biktima. Kusang sumuko ang suspek sa mga nagrespondeng pulis.

Show comments