^

Police Metro

Tulak pa, tumba sa buy-bust

Cristina Timbang - Pang-masa
Tulak pa, tumba sa buy-bust
Nasa larawan ang napatay na suspek na nakilala lamang sa alias “Lupin” matapos na manlaban sa mga otoridad sa ikinasang buy-bust laban sa kanya sa bayan ng Silang sa lalawigan ng Cavite.
Cristina Timbang

MANILA, Philippines — Bumulagta ang isang sinasabing kilabot na tulak ng shabu matapos umanong pumalag at manlaban sa mga otoridad sa isinagawang buy-bust ­operation laban sa kanya kamakalawa sa Silang, Cavite. Nakilala lamang sa alias “Lupin” ang napatay na suspek, nasa hustong gulang , nakasuot ng color red hoody jacket, blue sando at color red/black na short pants.  Sa ulat ng pulisya, alas 5::00 ng madaling araw nang ikasa ang buy-bust sa Kaong-Bulihan Rd. Brgy. Kaong Silang.  Isang pulis ang nagpanggap na buyer at bumili sa suspek ng shabu. Habang isinasagawa ang transaksyon ay nakatunog ang suspek na pulis ang kanyang kliyente kung kaya agad itong bumunot ng baril at pinaputukan ang mga kapulisan. Naging maagap naman ang mga otoridad na gumanti rin ng putok na siyang ikinasawi ng suspek. Narekober dito ang isang cal .38 Smith & Wesson rebolber, 3 plastic sachet ng shabu, at ang ginamit na buy-bust money.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with