^

Police Metro

3 binata huli sa 1 sakong ‘damo’

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Swak sa kulungan ang tatlong binata matapos silang masakote ng mgo otoridad at makumpiskahan ng isang sako ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City, kamakalawa ng hatinggabi.

Ang mga natimbog na suspek ay kinilala ng pulisya na sina Mark Philip Jualan, 27, binata, nakatira sa No. 47 Aluminio St., Tugatog, Malabon; Juan Soriano, 27, binata, ng 574 Cadaing Compound Brgy. Sta Quiteria, Caloocan City at Eli Jordan Bringas, 24, binata, residente ng No. 37 Philam St., Brgy. Pasong Tamo, Tandang Sora, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Wilmore Bataanon, nabatid na ang tatlo ay nadakip dakong alas-11:45 ng gabi sa ikinasang drug-bust ng mga tauhan ng QCPD Station 10 sa Brgy. Culia kung saan tinatayang nagkakahalaga ng P1.4-milyon ang nakumpiskang marijuana mula sa tatlong suspek.

Hindi naman nagtankang lumaban ang tatlong nadakip na ngayon ay nakakulong na sa QCPD station 10 detention cell at nahaharap sa kasong drug pushing.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with