Sugar-based juices, iba pang inumin pinalalagyan ng health warning

Ayon kay Lopez, layunin ng Pangulong Duterte na bigyan din ng babala ang mga consumers sa masamang epekto ng sobrang sugar sa katawan.
File

MANILA, Philippines — Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na lagyan din ng health warning ang mga sugar-based juices at beverages tulad ng health warning sa mga cigarette packs, ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez.

Ayon kay Lopez, layunin ng Pangulong Duterte na bigyan din ng babala ang mga consumers sa masamang epekto ng sobrang sugar sa katawan.

Aniya, dahil dito ay aatasan nila ang mga kompanya ng mga sugar-sweetened juices at beverages na maglagay din ng ‘health warning’ sa kanilang mga produkto.

Sa ilalim ng TRAIN Law ay papatawan ng P6 per liter na excise tax ang mga sugar-sweetened beverages gayundin ang mga carbonated beverages, sports at energy drinks habang P12 per liter naman sa mga drinks na may high-fructose corn syrup habang ang 3-in-1 coffee at gatas ay exempted naman sa excise tax.

Nakapaloob sa TRAIN Law na dahil sa mataas content ng sugar sa nasabing mga inumin ay nagiging dahilan ito para sa type 2 diabetes batay sa mga pag-aaral.

Dahil dito, ayon kay Sec. Lopez, ay dapat maglagay din ng ‘health warning’ sa mga sugar-sweetened beve­rages upang magbigay babala sa masamang idudulot sa kalusugan ng sobrang sugar sa katawan.

Show comments