^

Police Metro

NAIA palitan, MIA ibalik

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatakdang mag­sampa ng petisyon sa Kongreso ang kontro­bersiyal na si Atty. Larry Gadon upang hikayatin ang mga mambabatas na  maibalik sa dating Manila International Airport (MIA) na kasalukuyan ay Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang paliparan ng bansa.

Ayon kay Atty. Gadon, ang abogado na nagsampa ng impeachment case laban kay dating Chief Justice Ma Lourdes Sereno ang ngayoy NAIA na naipangalan sa dating yumaong  Senador Benigno Aquino Jr. noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Binigyang diin ni Gadon na hindi dapat ipa­ngalan sa yumaong dating Senador Aquino ang NAIA dahil ito umano ang  nagpasimuno sa pagtatag sa NPA at wala itong karapatan na ipangalan ang Pambansang Paliparan ng bansa.

Wala namang ginawa si Senador Aquino upang mapaganda ang Pilipinas, dahil nilinlang lamang umano nito ang taumbayan para gawing bayani ng bansa na nagbigay daan para ma­ging Pangulo ng bansa ang asawang si dating Pangulong Cory Aquino.

Giit ni Atty. Gadon napapanahon na para ibalik sa dati niyang pangalan ang Pambansang Paliparan ng bansa dahil ito naman talaga ang orihinal na pangalan na Manila International Airport na pamosong pa­ngalan, neutral at walang halong pulitika na mada­ling matatandaan ng mga turista na nagnanais na magbakasyon sa Pilipinas.

vuukle comment

LARRY GADON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with