^

Police Metro

Palengke ng Taytay, nasunog

Mer Layson - Pang-masa
Palengke ng Taytay, nasunog
Sa inisyal na report, sinasabing nagmula ang sunog sa stall ng isang Arnold Adame, 52, negosyante, ngunit iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang pinagmulan nito.
File

MANILA, Philippines — Nasunog ang pamihilang bayan sa Taytay sa Rizal na nagresulta sa pagkaabo ng tinatayang nasa P2-milyong halaga ng mga ari-arian at paninda sa loob ng palengke.

Nabatid mula sa Taytay Bureau of Fire Protection na dakong alas-3:00 ng madaling araw kahapon nang maganap ang sunog sa Public Market na matatagpuan sa Ba­rangay San Juan ng nasabing bayan.

Sa inisyal na report, sinasabing nagmula ang sunog sa stall ng isang Arnold Adame, 52, negosyante, ngunit iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang pinagmulan nito.

Nadamay sa sunog ang nasa 20 pang stall sa loob ng palengke, bago pa nakontrol ang apoy dakong 5:04 ng madaling araw, at tuluyang naapula dakong 5:33 ng madaling araw.

Wala namang iniulat na nasugatan o nasawi sa naturang sunog.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with