Villar, Pacquiao mga pinakamayamang senador

Nadagdagan pa ng P5.2 milyon ang kayamanan ni Villar kumpara sa P3,606,034,556 nitong net worth noong 2016.
Geremy Pintolo, File

MANILA, Philippines — Si Senator Cynthia Villar ang pinakamayang senador matapos magdeklara ng net worth na P3,611,260,766 sa kanyang statement of assets,liabilities and net worth (SALN) noong nakaraang taon.

Nadagdagan pa ng P5.2 milyon ang kayamanan ni Villar kumpara sa P3,606,034,556 nitong net worth noong 2016.

Sa hanay ng 23 senador, pumangalawa pa rin sa pinakamayaman si Senator Manny Pacquiao na  may kabuuang yaman na P2,946,315,029.93.Pero bumaba ng P126 milyon ang kayamanan ni Pacquiao kung ikukumpara sa kanyang net worth noong 2016 na P3,072,315,030.

Pangatlo si Senator Ralph Recto na may net worth na P538,889 mil­yon, sinundan ni Sen. Juan Miguel Zubiri, P152 mil­yon, pang-liman si Sen. Juan Sonny Angara na may net worth na  P131,765,860.

Pang-anim sa listahan si Senate Minority Leader Franklin Drilon na nagtala ng net worth na P93,727,005. Sumunod sina Sen. Grace Poe, P90,674,709; Sen. Sherwin Gatchalian, P88,674,709; Sen. JV Ejercito, P78,953,332; Sen. Richard Gordon, P70M; Sen. Tito Sotto, P65M; Nancy Binay, P61M; Loren Legarda, P51M; Bam Aquino, P39M; Sen. Ping Lacson, P36M; Sen. Gregorio Honasan, P25M; Sen. Joel Villanueva, P24M.

Si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel ay nagtala ng net worth na P18 milyon. Sumunod sa kanya si Sen. Risa Hontiveros, P16M; Sen. Francis Pangilinan, P13M; Sen. Francis Escudero, P8.5M; Sen. Leila de Lima, P8M at Sen. Antonio Trillanes IV na may net worth na P6.8 milyon.

Show comments