Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa linggong ito ay muling uupo si Pangulong Duterte sa NFA Council meeting sa Malacañang.
Michael Varcas, File
Duterte muling pupulungin ang rice traders
Rudy Andal (Pang-masa) - April 17, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa ikalawang pagkakataon ay muling pupulungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Food Authority (NFA), NFA Council, Department of Agriculture (DA), rice traders kasama ang mga magsasaka.

Magugunita na unang nangyari ang pagpupulong noong Abril 5.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa linggong ito ay muling uupo si Pangulong Duterte sa NFA Council meeting sa Malacañang.

Hindi naman ipinaliwanag ni Agriculture Sec. Emmanuel Piñol kung ano ang maaaring pag-uusapan.

Umaasa naman ang NFA na maliliwanagan na ng Malacañang ang plano nitong pag-aayos sa NFA Council kung ibabalik ba ang ahensya sa DA o mananatili ito sa ilalim ng Office of the President.

Magugunita na noong nakaraang linggo ay inutusan nito si NFA Administrator Jayson Aquino na mag-angkat na ng bigas matapos maubos ang stock ng NFA at balewalain nito ang NFA Council.

NFA
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with