Biker binoga, tigok

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang lalaking nagbibisikleta matapos siyang barilin nang malapitan ng isang ‘di natukoy na salarin sa Navotas City, kahapon ng mada­ling araw.

Nakilala ang napaslang na si Jonathan Sevilla, nasa hustong gulang, at naninirahan sa No. 36 Lot 41 Tumana Brgy. North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod. Blangko naman ang pulisya sa pagkakakilanlan sa nag-iisang salarin.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang pamamaril dakong alas-12:35 ng madaling araw sa Halaan Street Block 22 Area 1 Brgy. NBBS.  Sakay ang biktima ng bisikleta nang harangin ng gunman at barilin nang malapitan saka kaswal na tumakas.

Sa pagsusuri ng PNP Scene of the Crime Operatives (SOCO), isang tama ng bala ang tinamo ng biktima na dahilan ng agad niyang pagkasawi.  Isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang natagpuan sa bulsa ng biktima.

Dahil dito, may teorya ang pulisya na pagkakasangkot sa iligal na droga ang dahilan ng pamamaslang sa suspek na kagagawan rin ng sindikato na nag-ooperate sa lungsod.

Show comments