Pumasyal na sa Bora habang ‘di pa isinasara-Malacañang

Ito ang ginawang pang­hihikayat ni Presidential Spokesman Harry Roque sa media briefing kahapon dahil wala pa namang kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang Boracay island.
File

MANILA, Philippines — Ngayong Mahal na Araw ay dapat nang magpunta at magbakasyon sa Boracay habang hindi pa ito isinasara.

Ito ang ginawang pang­hihikayat ni Presidential Spokesman Harry Roque sa media briefing kahapon dahil wala pa namang kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang Boracay island.

Magugunita na inire­rekomenda ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Tourism (DOT) na isara ang Boracay island sa loob ng isang taon para sa rehabilitasyon nito.

Related video:

Show comments