Pulis na nasa drug list ni Duterte, itinumba
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pang-masa) - March 22, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang bagitong pulis na umano ay nasa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos na pagbabarilin ng isa sa apat na lalaki na sakay ng isang sasakyan kamakalawa sa Bula-Lanao Road, Brgy. Lagao.General Santos City, South Cotabato.

Ang biktima ay kinila­lang si PO1 Glenn Alegarte, 24, nakadestino sa Camp Crame.

Batay sa ulat, pasado alas-12:00 ng tanghali ay katatapos lamang kumain ng pananghalian ang biktima at pasakay na sa kanyang sasakyan ng lapitan ito ng suspek at walang kaabog-abog na pagbabarilin na agad nitong ikinasawi.

Ayon kay Chief Ins­pector Peter Pinalgan Jr., hepe ng Police Station 3, ang biktima ay di­nestino sa Camp Crame makaraang pangalanan ni Pangulong Duterte na sangkot sa illegal na droga at nagtungo lamang ito sa lungsod para dumalo sa kanyang hearing sa kaso nito sa droga.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with