^

Police Metro

Halstead kinontra ang findings ng PAO sa Dengvaxia victims

Rudy Andal - Pang-masa
Halstead kinontra ang findings ng PAO sa Dengvaxia victims
Mariing pinabulaanan ni Scott sa kanyang pagdalo sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado ukol sa Dengvaxia na hindi basta-bastang sa simpleng otopsiya lamang ay agaran ng mapapatunayan na Dengvaxia ang dahilan sa pagkamatay ng mga batang may dengue kahit pa sila ay nabakunahan nito.
Geremy Pintolo/File

MANILA, Philippines — Kinontra ni Dr. Scott Halstead, international expert on Dengvxia ang naunang mga findings na ipinalabas ng Public Attorney’s Office (PAO) ukol sa kanilang mga resulta ng auptopsy sa mga batang namatay na nabakunahan ng Dengvaxia na ito ang kadahilanan ng pagkakasawi.

Mariing pinabulaanan ni Scott sa kanyang pagdalo sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado ukol sa Dengvaxia na hindi basta-bastang sa simpleng otopsiya lamang ay agaran ng mapapatunayan na Dengvaxia ang dahilan sa pagkamatay ng mga batang may dengue kahit pa sila ay nabakunahan nito.

Magugunita na nagsagawa ng mga otopsiya ang PAO sa pangunguna ni Dr. Erwin Erfe at inilabas ni PAO Chief Atty. Persida Acosta at kanilang tinukoy na ang pagkasawi ng mga batang may dengue ay sanhi ng bakunang Dengvaxia.

Nanindigan si Halstead na kailangan magsagawa muna ng isang masusing pag-aaral bago tuluyang matukoy o masisi ang bakuna na Dengvaxia sa pagkasawi ng 26 mga bata.

Binigyang-diin ni Halstead na hindi din maaaring iuugnay sa viscerotopism at neurotropism sa Dengvaxia vaccine dahil mga “theoretical risks” lamang daw ito.

Sumasang-ayon din ito sa report ng World Health Organization (WHO) na nagsasabing wala pa naman umano talagang aktuwal na kaso na nag-uugnay sa Dengvaxia sa mga pagkamatay.

Tinukoy pa ni Halstead na hindi din maaring maiuugnay ang Dengvaxia sa tuluyang pagdurugo o internal bleeding sa loob ng katawan ng isang tao sanhi ng dengue na nagreresulta ng epekto sa atay, puso, at baga at iba pang parte ng internal organ ng isang tao.

vuukle comment

DENGVAXIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with