Paggamit ng malaking plaka ng motor lusot sa kamara

MANILA, Philippines — Lumusot na sa House Committee on Transportation at House Public Order and Safety panukalang paggamit ng mas malaking plaka at pang identifying marks sa mga motorsiklo upang mabawasan ang tinatawag na motorcycle crime na kung saan motorsiklo ang ginagamit na behikulo ng mga salarin sa kanya.

Sa ilalim din ng panukala, binibigyan ng otorisasyon ang Land Transportation Office para itakda ang sukat ng plaka ng motorsiklo basta  kailangang mababasa ito sa minimun distance na 12 metro.

Sinabi  ni House Public Order and Safety Committe chairman, Romeo Acop na inaasahan na nilang magiging deterrent ito sa motorcycle crime dahil mas magiging madali ang pagtukoy sa motorsiklo na gamit sa krimen ng mga salarin.

Nakasaad din sa panukala na kung ang isang kriminal ay gagamit ng isang impounded na motorsiklo, maximum penalty ng krimeng ginawa nito ang ipapataw ng hukuman.

Show comments