Sunog sa QC: 5 sugatan

MANILA, Philippines — Nasugatan ang limang katao sa naganap na sunog sa isang residential area sa Brgy. Pansol, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Ang mga nasugatan ay sina Rolando Ramiscal, dalawa nitong anak na pawang nagtamo ng second degree burn at dalawang kapitbahay na hindi pinangalanan ay nagtamo ng first degree burn.

Sa ulat, dakong alas-12:20 ng madaling araw nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng bahay ng pamilya Ramiscol dahil sa napabayaang nakasinding kandila.

Nabatid na walang kuryente sa lugar kaya nagsindi ng kandila si Ramiscal sa ikatlong palapag at pansamantala umalis at iniwang nakasindi ang kandila pero pagbalik nito ay nasusunog na ang kanilang bahay.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa lamang ang bahay sa light materials.

Show comments