Bihasang abogado, i-hire sa Demafelis murder - solon

Sinabi ni Salo na upang makamit ang hustisya sa pagkamatay ni Demafelis ay huwag basta na lamang ipaubaya ng pamahalaan sa Kuwaiti prosecutors ang paglilitis sa kaso.
File

MANILA, Philippines — Para makatiyak na makakamit ang hustisya, iminungkahi kahapon ni Assistant Majority Leader at Kabayan Partylist Rep. Ron Salo na mga pribadong abogado na bihasa sa Kuwaiti judicial system ang dapat i-hire ng pamahalaan upang usigin ang mga killers ng overseas Filipino worker (OFW) na si Joanna Demafelis na brutal na pinaslang at isinilid ang bangkay sa freezer sa abandonadong apartment sa Kuwait.

 Sinabi ni Salo na upang makamit ang hustisya sa pagkamatay ni Demafelis ay huwag basta na lamang ipaubaya ng pamahalaan sa Kuwaiti prosecutors ang paglilitis sa kaso. Nanawagan si Salo sa Department of Foreign Affairs (DFA) na kumuha ng serbisyo ng mga pribadong abogadong bihasa sa pasikut-sikot sa Kuwaiti judicial system na tutulong sa gobyerno para maipanalo nang mabilis ang kaso laban sa mag-asawang employer ni Demafelis na nasa likod ng krimen.

Show comments