Sa ilalim ng panukala, itataas sa P1-libo ang buwanang pension ng mga nakakatanda at aalisin na rin ang mga requirements para sa pag-avail ng pension na ito kaya hindi na kailangang indegent o mahirap ang isang senior citizen para makinabang dito. File

Dagdag-pension ng senior citizens, inapela
Gemma Garcia (Pang-masa) - February 16, 2018 - 12:01am

MANILA, Philippines — Umapela sa Kamara ang mga senior citizens na aprubahan ang panukalang pagdadagdag sa kanilang pension.

Personal na nakiusap sa mga kongresista ang mga senior citizen para pagtuunan naman ng pansin ang kanilang kahilingan at pusuan ang Universal Pension bill.

Ang Universal Pension bill ay nasa House Committee on Population and Family Relatiions ni Laguna Rep. Sol Aragones.

Sa ilalim ng panukala, itataas sa P1-libo ang buwanang pension ng mga nakakatanda at aalisin na rin ang mga requirements para sa pag-avail ng pension na ito kaya hindi na kailangang indegent o mahirap ang isang senior citizen para makinabang dito.

Siniguro naman ni Aragones na ipapasa ng kanyang komite ang Universal Social pensiion bill.

Ayon sa kongresista, suportado niya ang panukala dahil lahat na ng senior citizen ay makikinabang dito.

PENSION SENIOR CITIZENS UNIVERSAL PENSION BILL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with