Ang suspek na agad nadakip ay kinilalang si Allan Albano, 48, ng Block 6, Lot 14, Tawid Sapa II, Mirandaville, Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City. File

Siningil sa utang, pumatay
Lordeth Bonilla (Pang-masa) - February 13, 2018 - 12:01am

MANILA, Philippines — Sa halip na pera, mga bala ang ibinayad ng isang reservist ng Armed Forces of the Philippines sa isang jeepney driver na naningil ng kanyang utang sa Makati City.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Ernesto Namo, “alias Erning”,jeepney driver/mechanic, ng Block 49, Lot 98, Southville, Brgy. Niogan, Cabuyao, Laguna.

Ang suspek na agad nadakip ay kinilalang si Allan Albano, 48, ng Block 6, Lot 14, Tawid Sapa II, Mirandaville, Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-2:28 ng madaling araw sa panulukan ng Urban at Washington Sts., Brgy. Pio Del Pilar, Makati City ay siningil ng biktima ang suspek sa utang nito nang ito ay magpagawa ng kanyang sasakyan.

Nakiusap umano ang suspek na sa ibang araw na lang babayaran, subalit hindi pumayag ang biktima na ikinairita ng una hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Sa gitna ng mainitang pagtatalo ay binunot ng suspek ang kanyang baril sa bewang at walang kaabog-abog na pinaputukan ang biktima na agad nitong ikinamatay.

SHOOTOUT
Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with