^

Police Metro

Rali ng ‘resign Sereno’ ilulunsad

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagbabalak ang ilang kawani ng Supreme Court na magsagawa ng kilos protesta hindi bilang suporta kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno kundi sa pagbibitiw nito sa puwesto.

Ayon sa mga empleyado ng Korte Suprema na ayaw pa munang magpabanggit ng mga pangalan, nadadamay ang mga opisyal na karamihan ay nanunungkulan na sa Hudikatura ng 15 hanggang 20 taon dahil sa mga kwestiyonableng utos mula sa tanggapan ng Punong Mahistrado. 

Ang kanila umanong katapatan ay nasa institusyon at umaasa sila na magpapasya na lamang si Sereno na magbitiw sa pwesto para hindi na makaladkad ang buong sangay ng Hudikatura. 

Nakatanggap na rin ng imbitasyon mula sa House Committee on Justice ang ilang mga senior official sa Korte Suprema na nagtuturuan na umano dahil sa napalagpas na iregularidad kasama na ang kontrobersyal na pagbili sa Land Cruiser ni Sereno at pagbibigay linaw sa pagkuha ng Korte Suprema ng information technology consultant na tumanggap ng P250,000 buwanang kompensasyon at paggamit mg Presidential Villa sa Shangri-La Boracay para sa 2015 ASEAN Conference na ginastusan ng P1.9 milyon na hindi dumaan sa proseso ng bidding.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with