Ex-DBM Usec pinaaaresto ng Sandiganbayan
Gemma Garcia (Pang-masa) - January 19, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos na hindi bumalik ng bansa ay pinaaaresto ng Sandiganbayan 7th Division si dating Budget undersecretary Mario Relampagos.

Kaya itinuturing ng korte na isang pugante na si Relampagos dahil sa mga kinakaharap na kasong plunder, graft at malversation kaugnay pa rin sa pork barrel case na inihain sa anti-graft court.

Si Relampagos ay pinayagan ng Korte na magtungo ng Estados Unidos  mula Disyembre 2 hanggang Enero 1 subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik ng bansa.

Inatasan din ng 7th Division ang Department of Foriegn Affairs (DFA) na kanselahin ang pasaporte ni Relampagos at umpisahan ang proseso ng kanyang extradition. Kanselado na rin ang piyansa at travel bond ni Relampagos.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with