SSS binabaan ang bayad sa UMID card
Angie dela Cruz (Pang-masa) - January 3, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ng pamunuan ng Social Security System na binabaan nila ang halaga ng Unified Multi-purpose Identication (UMID) card na mula sa P300 ay P200 na ito ngayon.

Ang pagbaba sa halaga ng card ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc dahilan sa bumaba ang gastusin nila sa  data capture service pati na rin sa produksyon ng card sa tulong ng ID card provider.

Makikinabang din sa UMID replacement ang mga miyembrong nais na itama ang kanilang  identification cards.

Batay sa SSS Office Order 2017-067, ipapataw lamang ang bawas sa replacement fee kung papalitan ang UMID card o ang lumang SSS ID dahil sa pagwawasto o pagbabago ng pangalan, petsa at lugar ng kapanganakan, kasarian, pagpapalit ng luma o nasirang card, pagbabago ng address ng tahanan, pag-uupdate ng litrato ng miyembro at pagbabago ng pirma sa card.

Binigyang diin din ni Dooc na walang bayad ang SSS-UMID card para sa mga miyembrong inisyal na mag-aaply para dito.  Hindi rin sisingilin ng replacement fee ang mi­yembro kung ang SSS mismo ang may pagkakamali sa pag-e-encode ng mga datos kabilang dito ang maling screening at captu­ring ng nakaraang aplikasyon.  Una  nang inanunsyo ng SSS na maaaring i-withdraw ng 34,000 miyembro ang kanilang benepisyo at loans sa automated teller machines gamit ang kanilang UMID-ATM cards. Sila ang unang batch ng mga miyembrong may UMID card na maaari nang gamiting ATM card.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with