Mas pinaigting na opensiba vs NPA, ikinasa ng PNP

MANILA, Philippines — Dahil sa nalalapit na ang ika-49th founding anniversary ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa Disyembre 26, at inaasahan na maaaring maglunsad ng mga pag-atake ang teroristang New People’s Army, ikinasa na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mas pinaigting na opensiba laban sa mga ito.

Sinabi ni Director Camilo Pancratius Cascolan, chief ng PNP Directorate for Operations, na lahat ng police units ay naghahanda na ng counter measures laban sa mga posibleng pag-atake ng NPA bago sa anibersaryo ng CPP.

Giit ni Cascolan mas mabuting magsagawa sila ng opensiba kaysa dumipensa  kaya patuloy ang kanilang preventive at prophylactic combat patrol at pakikipag-ugnayan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa karagdagang pagbabantay sa lahat ng kampo at vital installations.

Magugunita na inideklara ni Pangulong Duterte na terrorist organization ang NPA matapos na lagdaaan ang Proclamation No. 360 na nagbabasura sa peace talks sa mga komunistang grupo.

Show comments