‘CNN hero’ itatalaga sa PCUP
MANILA, Philippines — Inianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang itatalaga bilang pinuno ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ang itinanghal na CNN Hero of the Year (2009) na si Efren Peñaflorida.
Ang planong pagtatalaga kay Peñaflorida ay inianunsyo ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Christmas party ng Davao media noong Biyernes.
Si Peñaflorida ang founder ng “Kariton Klassroom” kung saan personal niyang tinuturuan ang mga batang lansangan.
Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati na gusto niya ay galing sa mahirap pero marunong ang susunod na chairman ng PCUP.
Matatandaan na sinibak ng Pangulo sa puwesto bilang pinuno ng PCUP si Terry Ridon dahil sa umano’y ilang beses na pagbibiyahe sa labas ng bansa na hindi naman kailangan.
“I appointed him (Ridon) September. He has traveled 8 times (to) every gathering, conventions, seminar outside. And to think he was representing the urban poor. Kaya pinalayas ko lahat, wala akong tinira,” pahayag ni Duterte.
Si Ridon ang dating kinatawan ng Kabataan Party-list.
- Latest