2 opisyal ng barangay todas sa ambush

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang opisyal ng barangay sa naganap na ambush kahapon ng umaga na ikinasugat rin ng barangay chairman naganap sa pananambang nitong Miyerkules ng umaga sa Brgy. Annanuman, San Pablo, Isabela.

Nasawi noon din dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang sina Bonifacio Lumabi, 48, tanod at Rey Mabborang, 42, ingat yaman.

Nasugatan naman si Bricio Gammaru, 36, Brgy. Chairman sa Brgy. Dalena, San Pablo, Isabela.

Batay sa ulat, bago nangyari ang ambush dakong alas-8:00 ng umaga sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Annanuman, San Pablo, Isabela ay lulan ng kulay asul na owner type jeepney (UHK-272) ang mga biktima na patu­ngong Cabagan, Isabela nang tambangan ng mga suspek.

 

Show comments