Corrupt mayors atbp, imbestigahan

Digong kay Año...

MANILA, Philippines — Bilang bahagi ng pinaigting na anti-corruption campaign ng pamahalaan, pinaiimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Department of Interior and Local Government (DILG) USec. Eduardo Año ang mga alkalde at gobernador kung sangkot ang mga ito sa kurapsyon.

“When I see you are making things difficult or you allow corruption to thrive in your locality, then as mayor or governor, I will order the new secretary of the DILG, the chief of staff, si General Año, to investigate you,” wika ng Presidente.

Mariin din ang pagbabanta ng Pangulo na tatanggalin niya umano sa puwesto ang mga opisyal, appointed man o naihalal, kung mapapatunayang kurakot.              

“I’ll give you about 3 days to explain. If I am not satisfied, especially over delays in a project because you want money, that will be a problem,” giit pa ng Pangulo.               Pina­alalahanan din nito ang mga miyembro ng kanyang gabinete na huwag patagalin ang pag-isyu ng mga dokumento at mga permits.

Sinabi rin ng Pangulo na sakaling bigyan umano siya ng kahit sinong miyembro ng kanyang gabinete ng rason para pagdudahan ang kanilang integridad at katapatan, hindi umano ito magdadalawang-isip na tanggalin sila sa pwesto.

Show comments