2 sangkot sa droga itinumba
Lordeth B. Bonilla (Pang-masa) - November 11, 2017 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang lalaki na umano’y pawang sangkot sa droga sa magkakahiwalay na pamamaril ng mga ‘di kilalang salarin sa Taguig City  kamakalawa.

Sanhi ng ilang tama ng bala sa  ibat-ibang bahagi ng  katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril, dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Michael Mesa, 24 at  Brianson Esgra, nasa hustong gulang.

Sa report na natanggap ng Southern Police District (SPD), ala-1:55 ng hapon nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspect ang biktimang si Mesa sa Viscara St., Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City. Sa rekord ng pulisya, minsan na aniyang nailagak sa drug rehabilitation center  si Mesa.

Samantala, ala-8:45 ng gabi nang pagbabarilin si Esgra sa Block 15, Lot 1, Herbs Extension, Brgy. New Lower Bicutan ng naturang siyudad na nagresulta ng agarang kamatayan nito.

Sa record ng Taguig City Police, nasangkot umano sa  transaksiyon ng droga si Esgra.   

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with